Uulitin ko, hanggang sa mga oras na ito, wala pa rin akong tulog. Isa't kalahating oras na lamang at ako'y kukuha na ng pagsusulit kay Sir Rolly.
Sa aking pagninilay-nilay, maraming paliwanag sa kung bakit hindi ako makatulog ang pumasok sa aking isipan. At sa lahat ng iyon, ang pinaka-pinagnilayan ko ay ang kasabihan na kung hindi ka makatulog sa gabi, ikaw ay maaring gising sa panaginip ng isang tao.
Napaisip ako sandali. Kung sakaling may katotohanan man ang nasabing kasabihan, hinding-hindi ko siguro mapapatawad ang taong buong gabi ay ginawa akong laman ng kanyang isipan.
Marahil naman ay sabik lamang akong makabili ng MP3 player na Samsung ngayong araw, kung aayon sa mga iniisip ko ang mga mangyayari.

Leave a comment