Wala lang. Wala naman talaga. Wala lang kasi akong magawa ngayon sa dorm.
Nga pala. Pumunta pala ako kina Eizy sa Tarlac nung Biyernes ng gabi. Wahaha, maraming maraming salamat sa kanyang pamilya sa pagbubukas ng kanilang tahanan para sa isang nawawalang batang katulad ko. Salamat na rin sa masarap na manok at baka na inihanda nila. At sa lahat ng tao sa tahanan nila sa kanilang mainit na pagtanggap at pag aasikaso sa akin.
Kahit naubusan ako ng mahigit sa pitong daang piso, napakasaya naman ng naging karanasan ko sa loob ng labinlimang oras na inilagi ko sa Tarlac. Hindi matatawaran ng ginastos ko ang pakiramdam ng nakasakay sa tricycle habang pinabagtas ang isang mahabang kalsada: ang paghampas ng malakas na hangin sa aking mukha at ang mabangong amoy ng bagong tabas na damo. Isama na rin natin ang paghahabol sa mga bibe at kambing at ang pag aanggulo sa simbahan sa bayan para makakuha ng larawan, ang kaangasan sa paglalaro ng Tekken 5 at Para Para. :D
Natuwa din pala ako nang nahiram ko kay Eizy yung librong, "Tikaman ang Langit," isang aklat ng mga sanaysay patungkol sa bandang Eraserheads. Gusto ko tuloy pakinggan ang lahat ng album nila. ^^;
Kaninang umaga naman, nagsimba ako. Oo, nagsimba ako. Hindi dahil gusto ko bagkus dahil inobliga kami ng mga madreng nagpapalakad sa dormitoryo. Matapos ang misa, inobliga naman nila kaming maglinis ng silid-paliguan. Napakadugong trabaho; mabigat para sa sa anim na katao lamang.
Masaya ako at nagkita kami ni Tatay. Dumiretso ako sa hotel na tinutuluyan nila upang makipagkita sa kanya. Sa kasamaang palad, hindi kami gaanong nakapag usap; abala kasi siya sa kanyang tungkulin. Kung sa bagay, wala naman sila sa Baguio para magbakasyon. Narito sila upang idaos ang ika-limang pamabansang kongreso at ika-labinlimang anibersaryo ng kanilang samahan at bilang pangulo, asahan nang magiging abala siya. Kaya't habang hinihintay matapos ang kanilang pulong, tinulungan ko muna si Kuya Aries na mag ayos ng mga gagamitin sa eleksyon. Matapos ang trabaho, nakita namin sina Kuya Merck at nagdesisyon kaming pumunta ng Diplomat Hotel. Sarado na nga lang. Pagbalik sa hotel, dali-dali naman akong ipinakilala ni Tatay sa mga kasamahan niya. Nakakagulat ngunit nakakatuwa ang mga reaksyon ng mga taong pinagpakilalahanan niya sa akin. Lalong lalo na yung mga nagmula sa Japan. Tuwang tuwa sila nang magpakilala ako sa wikang Hapon.
Nakakalungkot nga lang at kailangan kong umuwi nang maaga. Bilang pampalubag loob, binili ko na lang ang isang litrato ni Tatay bilang souvenir. :)
Kaarawan nga pala ngayon ni Nico. :) Alam kong hindi siya gaanong masaya sa kanyang muling pagtanda, pero nais ko pa rin siyang batiin ng isang masayang kaarawan.

Leave a comment